ping·gán
pinggán
plate
KAHULUGAN SA TAGALOG
Kasangkapang karaniwan ay malanday, bilóg, yarì sa porselana, o plastik na pinaglalagyan ng pagkain.
Hindi dapat ipagamit ang babasagíng pinggán sa mga batà.
IDYOMA
di makabaság-pinggán
Napakabait; hindi gumagawa ng gulo; mahinhin (kung sa babae).
Halos di makabaság-pinggán ang anák na dalaga ni Mang Juan.
kalatóg pinggán
Tawag sa táong mahilig dumalo sa mga handáan kahit hindi inaanyayahan.
kumakáin sa iisáng pinggán
Mabuti ang pagsasamahan at pagpapasunuran.
Leave a Reply